Lumaktaw sa pangunahing content

Talumpati tungkol sa Social Media- Entertainment


SOCIAL MEDIA
Magandang hapon po sa inyong lahat! sa aking kapwa kamag-aral lalong lalo na sa ating  Guro. Ako po Si Sophia, Ang pinakamabait sa classroom . Nandito po tayo upang talakayain at bigyang pansin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga estudyante ay pumapasok na PUYAT.
Karamihan po sa atin ay nahuhumaling na  sa Facebook. Alam ko na alam na alam ninyo ang facebook. Sa mga hindi pa nakaka-alam. Tanong ko lang, Ilang taon kayong natulog? Sige.
Talumpati tungkol sa Social Media
Sa araw-araw na pag-gising mo sa umaga. Unang mong hinahanap ang CELLPHONE. Bago ang lahat BUKSAN MUNA ANG DATA. Ni hindi mo na nga naaalala na mag pasalamat kasi kahit na wala ka ng dahilan para magising. Ginising ka pa rin niya.

Scroll down, scroll up. Ito ang kadalasan mong ginagawa.
Ang istalkin ang CRUSH mong STATUS lord na, FAMEWHORE pa.
Pati na rin ang PUSUAN ang pictures nyang  naka-RETRICA, B612 at kung ano-ano pang litrato nya na may FILTER na nakakawala ng ilong. Bakit kaylangan colorful ang pictures? Tumigil na po tayo, nag mumukha na tayong rainbow. Pero nauunawaan ko naman kung bakit, KASI NGA PANGET KA! (copyright2018)
Hindi rin mawawala ang mga POST ni BILLY CRAWFORD na “ One like  One prayer, at Please type amen” hay nako. Lakas ng trip mo Billy ah. Ang dapat ibreak ka na ni Coleen Garcia. Pag ba nilike namin yan ay mag-hihilom ang sakit ng taong may KETONG sa  litrato? Makikita rin natin dito ang. “Hi CF like mo DP/ Profile ko LB ako No talkshit  IM CHECKING.” Ayan. Ayan.  Mag re-reset pa raw ng FRIENDLIST eh hindi naman pwede yon. Kung ano-ano naiimbento ng mga kokey sa FACEBOOK.Hindi mo kelangan mag parami ng likes para masabing sikat at maraming may gusto sayo. Sa pagkakaalam ko ay sa 5likes  na nakuha mo ay baka ISA o Dalawa lamang ang may pakialam sayo. Isama rin natin ang HUGOT ng  KABATAAN BITCHES. Puro ka hugot! hugot! hugot! hugot! hugot! Ang masaklap WALA KA NAMANG LOVELIFE. Bakit ang OA nyo? Alam ba iyan ng NANAY MO? Kung ako ang nanay mo kinalbo na kita. Nakakahiya ka kasi.  Yung nagkaroon lamang ng LOVELIFE ang may karapatang humugot ha? Nadaya  narin tayong mga babae . Ang FAFA mo sa PICTURE  nakakasura pala sa  PERSONAL. PHUTAGENIC  lang pala.  Ayan. Kawawang KOKEY umasa.  Eto pa. Makikita mo rin ang post  ng ex mong nakatuwad  at may caption na “ HI AKO NGA PALA YUNG SINAYANG MO” Wag ka manghinayang, HINDI SYA ULAM,NI  HINDI RIN BIGAS. Mga kapatid sa pananampalataya, Wag tayong mag-pakababa sa Facebook sa pamamagitan ng pagtuwad at pag-hubad. Aba hindi porket nakasulat sa BIBLIYA na ANG TAONG MAPAG MATAAS, IBINABABA AT ANG TAONG NAGPAPAKABABA ITINAAS. Tanga! Sa ginagawa mo ay hindi ka itataas. Bagkus ay pandidirihan ka at malamang ay wala ng rumespeto sayo.
Dumako naman tayo sa YOUTUBE. Salamat sa Youtube natututo akong mag talumpati. Marami tayong pwedeng mapanood dito ng Libre. Meron ritong mga Movies, Short films gaya na lamang ng JAMICH, Pwede tayong manuod ng live halimbawa na lamang sa kung ano ang nagaganap sa Malakanyang, Marami rin tayong makikita na mga taong talentado, may suma-sayaw may kumakanta at kung ano pang talent ng mga tao ang iyong makikita, Syempre hindi mawawala ang mga pabida may mga naga-upload ng video nila na humuhugot. Hay nako! Sabi ni Onyok, Tama na yan (pabebe voice)  Marami tayong pwedeng matutunan sa youtube sa pamamagitan ng Panood, isearch mo lamang ang mga gusto mong malaman. Ngunit ikaw? Oo, tama ikaw? Anong pumapasok sa isip mo bakit iba ang gusto mong matutunan? Hay nako  karamihan sa mga kabataan ang nag-view ng mga video na ito. Bakit mo pinapasok ang hindi pa dapat pasukin? Bakit? Naku-Curious ka kung MASARAP ba? Masarap nga ba manuod nito? Hindi mo pa ba nakikita sa kapaligiran ang mga naidudulot nito? Maraming babaeng kabataan ang maagang nabubuntis dahil pinag-praktisan ng mga lalaking curious.

Hindi nilikha  ang SOCIAL MEDIA para lamang ipakita ang mga kababawan natin, Hindi rin para di ka na gumawa ng assignments at Projects. At mas lalong hindi para mapuyat ka.  Para  sa akin nilikha ni MARK ZUCKERBERG  ang facebook upang mapaayos ang ating pakikipag-komunikasyon sa ating mga kaybigan, at mahal sa buhay na mamalayo sa atin. Sama mo na rin yung ARABO na kachat mo. Sana gamitin natin ang facebook sa tama. Pati na rin ang youtube, Ginawa ito para mas madali tayong matututo hindi para hindi para maaga kang mabuntis at masira ang buhay mo. Guys. Kung Makati hugasan. Wag mag-praktis

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento